مكتبة جرير

Mga Tula Ng Pag-Ibig

كتاب مطبوع
57ر.س.
شامل ضريبة القيمة المضافة
وحدة البيع: EACH
المؤلف:Johnathan Rivera
تاريخ النشر: 2023
تصنيف الكتاب:الأدب والشعر,الكتب الانجليزية,
عدد الصفحات:152 Pages
الصيغة:غلاف ورقي
هذا الكتاب يُطبع عند الطلب وغير قابل للاسترجاع بعد الشراء

الصيغ المتوفرة:

كتاب مطبوع

سيتم إرسال الطلب الى عنوانك

57ر.س.
شامل الضريبة

حدد خيار التوصيل الذي تفضله

أو

عن المنتج

Bawat isa ay may istorya ng pag-ibig. Gaano mo man ilayo ang iyong sarili ay kusa kang hahanapin nito. Bubuksan ang iyong isip, papatibokin ang iyong puso o papalayain ang sarili para makamit ang mga ninanais nito.


Ang koleksyon na ito ay mga tulang nagkukwento ng samut saring emosyon at interpretasyon tungkol sa pagmamahal na hinulma sa mga simpleng talata. Ito ay mga tugma na sumasalamin sa realidad ng pag-ibig na wala itong pinipiling kasarian, oras, lugar at pagkakataon. Bawat buhay na nilalang ay may karapatan itong maramdaman at iparamdam kaninuman.


Hayaan mo itong tangayin ka sa mga pira-pirasong karanasan ng kilig, kalungkutan, pagsusumamo, pagpaparaya at pag-asa na nakapaloob sa pagmamahal sa sarili, sa ibang tao at sa Diyos.


Bawat linya ay may marahan at marubdob na pakahulugan na animoy bumubulong at sumisigaw para mapakinggan at mapagmuni-munihan sa iyong pag-iisa o sa gitna ng mundong pabago-bago at balisa.


Layunin ng mga karaniwan nitong tugma na mamutawi ito sa iyong mga labi, buhayin ang iyong mga alaala, tuksuin ang iyong pagkahumaling, yakapin ang katotohanan, sundin ang iyong mga pangarap, manahimik sa kasinungalingan, panindigan ang iyong pananalig, magparaya sa nararapat, buhayin ang iyong pantasya, kumapit sa iyong mga baka sakali at magmahal ng hindi natatakot masaktan.


Inaamin ng manunulat na halos lahat ng mga tulang ito ay hango sa kanyang karanasan at naniniwala siya na ilan sa mga ito ay naranasan o mararanasan mo rin.


Isa lang naman ang pag-ibig di ba? Iba-iba lang ang ating mga istorya.


عرض أكثر

المواصفات

رقم الصنف9789360165871
رقم المصنع9789360165871
تاريخ النشر2023
عرض أكثر

أبلغ عن مشكلة مع هذا المنتج

مراجعات العملاء